Yer heiress randomness

SAY YOU’LL NEVER GO

Posted by: hieressrandomness on: January 28, 2009

MTV
“Say you’ll never go”
Performed By: Erik Santos
Directed by: gHe

CAST OF CHARACTERS:

Rio Labrague – Jasmine/Peklat/Jackie/Sancai/Janelle

Participation:
Bonvi Jimeno – Travis/Bokbok/Eli/Daomingse/Gian/Jaybe
Thirdy Luna – Kamila
Crussette Matienzo – Ina ni Travis
Rachel Luber – Kapatid ni Travis
Jennifer Quijano – Janitor
AJ Lebanan – Sto. Nino
Ian Moll – Erik Santos

Scene 1

Bata pa sila Jasmine at travis…
Travis: Simula ngayon tatawagin na kitang peklat.
Magkakalayo na ang dalawa.

Scene 2 – Pa-cute scenes!

Medyo malaki na sila.
Sweet-sweetan ang dalawa.
HHWW
Umali lang saglit si Travis ng biglang may umextra.
Janitor: Iha, wag mo sayangin ang oras… bigyan mo ng halaga ang bawat sandali.. kundi magsisisis ka!
Jasmine: Anong pinagsasabi mo? (natalikod lang saglit nang biglang nawala ang Janitor) Saan kaya nagpunta un? Biglang nawala.

Scene 3

Nakita silang 2 ni Kamila na sweet together.
Nainis ito!

Scene 4 – Confrontation!!

Kamila: Mangaagaw!! (sabay sampal! Ouch!)
Jasmine: Kahit kailan hindi siya naging sayo!! (suntok ala Rio)
Scene 5

Nagigitara si Jasmine (ito yung kanta na tinuro ni Travis kay Jasmine nung bata pa sila.
Travis: Paano mo nalaman ang kantang yan?
Jasmine: Natutunan ko ito nung bata pa ako sa kaibigan kong si Bokbok.
Travis: (nagulat, napagtanto na si Jasmine at Peklat ay iisa. Ngunit,datapwat, subalit… hindi niya ito ipinaalam kay Jasmine..mangiyak-ngiyak lang siya)
Maya-maya’y….
Travis: (pinipisil ang dibdib dahil super sakit)… [Pricking @ the right side of the axilla]
Jasmine: anong nangyayari sayo? (sabay himas sa dibdib ni Travis ala Rio)
Travis: wala ‘to.
Biglang dumating si Jaybe.
Jaybe: Jackie! Este Jasmine! Anong ibig sabihin nito?! (slang ha!)
Travis: jaybe magpapaliwanag kami…
Jaybe: Bring it on Eli!! Este Travis!!

Scene 6 – Princess Hours spoofs!

Naglalakad si Jasmine papunta kay taravis ng may extra ulit.
Janitor: Jasmine, nagagahol ka na sa oras kaya pakaingatan mo ang bawat minutong natititra..
Jasmine: Teka nga, sino ka ba? At ba’t mo alam ang pangalan ko?
Janitor: Ang dami mong tanong. Hello, artista lang ako dito.. Binabasa ko lang ang script ko. Ayan oh! (sabay pakita ng script) tanungin mo kaya sa director no!
Jasmine: ewan ko sayo.
Pumunta na sa tabi ni Travis.
Nakaupo ang 2… tapos naka-sandal si Jasmine sa likod ni Travis (ala Princess Hours ba!!) habang si Travis naman ay sumasakit ang chest hindi pinapahalata kay Jasmine.

Scene 7

Habang tumatagal ang kanilang pagsasamahan, napansin ni Jasmine na…
Jasmine: (nagsasalitang mag-isa) Mukha yatang nanlalamig na sa akin si Travis. Bakit? Wala na ba akong asim? (sabay amoy sa sarili)

Scene 8 – Meteor Garden spoofs!!

Hinahabol ni Jasmine si Travis.
Jasmine: Travis!! Kausapin mo naman ako!! May nagawa ba akong masama?!
Travis: (NR @ biglang sumakay sa bus)
Hinabol ni Jasmine  ang bus. Sige habol!! Nadapa tuloy. Duguan!!

Scene 9 – Meteor Garden spoofs!!

Dito naman naglalakad si Jasmine sa kawalan.
Jasmine: (ooops!! Wla na namang kausap dito si Jasmine!!) Travis!! Nasaan ka na?? Bakit mo ako iniiwasan at tinataguan? Bumalik ka na sa akin! Miss na miss na kita!! Promise!!

Scene 10 – Meteor Garden spoofs!!

Sa wakas nagkita ang lovers!
Jasmine: (nasa likod ni Travis) Travis sandali lang!  Bakit ka ganyan? Kinalimutan mo na ba ng pagmamahalan natin? Bakit may nagawa ba akong masama? Pinapakain naman kita, pinapasa-load, may allowance ka pang Php 2,500.00 per month.. may kulang pa ba ha?!
Travis: (NR)

Scene 11

Umuwi na si Travis sa bahay at nandon naghihintay ang kanyang ina…
Ina: Saan ka galling Travis? Gabing-gabi na!
Travis: (nanigarilyo)
Ina: Itigil mo nga yan! (Hinampas ang kamay ni Travis at syempre nahulog ang sigarilyo)
Travis: Pwede tigilan nyo na ako! Wag na kayong umarteng parang may concern kayo sa akin! Di ba iniwan nyo kami? Tapos ngayon babalik ka para guluhin ang buhay namin!!
Ina: (sinampal ang anak) Naririnig mo ba yang pinagsasabi mo? Sana, maisip mo na sa bawat sigarilyong hinihithit mo ang bawat paghihirap at pagtitiis ko sa ibang bansa na hindi kayo maalagaan imbis, alagaan ang mga taong ni hindi ko naman kaano-ano!
Kapatid: Ma, tama na yan! Hindi mo ba alam na may malubhang sakit si Travis?!
Ina: (shocked) Hah? Patawarin mo ako anak. Nabigla lang ako. Bakit ngayon nyo lang sinabi sa akin? (Comfort kay Travis)
Kapatid: ma, kailan lang kasi siya na-diagnosed na may cancer sa baga.
Ina: ano??!! (shocked ulit)

Scene 12

Naglalakad mag-isa si Jasmine.
Janitor: oh Jasmine..
Jasmine: (tinigil sa pagsasalita ang Janitor sa pamamagitan ng 2 daliring inilagay nito sa labi ng Janitor) alam ko na yang sasabihin mo! Kesyo, wala ng oras, tipirin ko ang oras, wag sayangin ang oras… pwede lang ha! Ang dami pang oras! ‘wag mo akong minamadali. Pakelaman mo sarili mong oras wag ung sa akin!
Janitor: bahala ka.. ikaw rin ang magsisisi.
Nagkita si Travis at Jasmine.
Travis: Jasmine, kailangan na nating mag-usap. Mag-kita na lang tayo sa sugar ‘n spice. Hihintayin kita.
Ang tagal na naghintay si Travis.. ang tagal.. ang tagal talaga!
Paalis na si Travis ng biglang dumating si Jasmine.
Umupo ang 2.
Hinawakan ni Travis ang kamay ni Jasmine tapos binitawan din at sinabing…
Travis: Jasmine, kailangan na nating maghiwalay.
Jasmine: Bakit? Di ba kakayanin natin ang lahat ng pagsubok kahit na maraming humahadlang sa ating pagiibigan?
Travis: Pero hindi na talga pwede. Patawarin mo ako.

Biglang dumating ang kapatid ni Travis.
Kapatid: Travis, anong ginagawa mo dito?
Travis: Kuya, pwede ‘wag muna ngayon.
Kapatid: ‘lam mo bang sinasayang mo lang ang oras mo sa mukhang tsimay na yan!
Jasmine: aba!! Ah..ano ba gusto mo suntukan?!! (ala Rio ha)
Kapatid: Whatever!! ‘lam mo ba na dahil sayo nagka-letse-letse ang buhay namin!!
Jasmine: hooo.. Iniwan ka lang ng syota mo kaya ka ganyan eh!!
Travis: Pwede ba tumigil na kayo! (sabay Walk-out)

Aun… pareho lang sa scene ng sana maulit muli…
Pero dito, sinundan ni Jasmine si Travis.
Syempre nasagasaan si Travis.
Syempre..aun.. na-shock!! Paano kasi nasagasaan! Actually, inatake lang yan sa puso.. lam mo na sobrang chest pain kaya ang ending nito ay nag-ka heart failure.
Pero wag ka.. duguan ang lolo mo!
Habang naghihingalo si Travis… akalain mo un nakapagsasalita pa.. mamamatay na lang dami pang sinasabi… (joke)
Travis: Mahal na mahal kita Peklat.
Jasmine: ano? Ulitin mo nga ang sinabi mo?
Travis: Lagi mong tatandaan na maghihinatay lang ako sayo sa kabilang dulo tulad paghintay ko sayo, Peklat.
Jasmine: Bokbok! Ikaw nga! Bokbok!
Travis: Mahal kita, Peklat. Kaya napili kong hiwalayan ka dahil ayokong masaktan ka. May Lung Cancer ako at may taning na buhay ko.. at ngayon na nga ang takdang oras ko. (namatay)
Jasmine: ‘wag kang magsalita ng ganyan travis! travis..(nag-ha-hallucinate na ‘to ha!) travis… travis…TRAVIS!!!!

Biglang sumulpot si Sto. Nino.. wala lang.. epal lang..

***The end***

Advertisement
Tags:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

calendaryo

January 2009
M T W T F S S
     
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Flickr Photos

MERYL2

angel1

angel2

angel3

meryl1

angel4

cousins

bff

More Photos
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.